"Ang kalipunan ng mga tulang natipon ni Dr. Dery ay maitatapat sa natatanging tagumpay ni Dr. B.S. Medina, Jr. nang mapalitaw nito noong 1974 ang matagal nang nawawalang komedya ni Francisco Baltazar, ang Orosman at Zafira. Karangalan ng De La Salle University na ang dalawang bunga ng pananaliksik ay produkto ng mga iskolar na nasa hanay ng kaguruan ng Unibersidad. Inagaw ni Dr. Dery sa limot ang isang mahalagang pamana ng Rebolusyon 1896 para sa kapakinabangan ng panitikan at kasaysayan ng mga Filipino. Nahango ang mga halimbawa ng rebolusyonaryong panulaan dahil matiyagang nagbulatlat ang iskolar ng mga dokumento sa Philippine Insurgent Records at ng mga pahayagang lumabas noong mga huling taon ng Siglo 19, gaya ng El Heraldo Filipino, La Republica Filipina, Heraldo de la Revolucion, at Kaibigan ng Bayan. Babaguhin ng antolohiya ni Dr. Dery ang larawan na kinahiratihan natin na ang mga taon ng pakikibaka ng mga Filipino para sa Republika ay panahon ng mga mandirigma lamang. Ngayon ay makikitang sa gitna ng paghahamok ay mayroon din palang mga alagad ng panitik na nag-alay ng kanilang mga akda para sa bayan. Ang librong ito ay di lamang karaniwang koleksiyon ng mga tula. Inayos ni Dr. Dery ang mga tula ayon sa limang kategorya: "Awit kay Bayani," "Awit kay Sinta," "Awit kina Ama''t Ina," "Awit Kay Inang Bayan," at "Awit ng Kalayaan." Bawat kategorya ay binibigyan ng kaukulang komentaryo na naglilinaw sa nilalaman at nilalayon ng mga tula. Isang namumukod na kabanata sa kasaysayan ng panulaang Tagalog, na muntik nang hindi nakaabot sa ating panahon, ang binuksan ng pananaliksik ni Dr. Dery. Salamat at may historyador na nag-ukol ng tiyaga at paglilimi sa mga rekord na nasa artsibo, at mga talang hindi napag-ukulan ng pansin ng mga mahiligin sa panitikan ay bahagi na ngayon ng kasaysayan ng ating panitikan." -- Dr. Bienvenido Lumbera Departamento ng Filipino De La Salle University - Manila

Write a review

Note: HTML is not translated!
    Bad           Good

Awit Kay Inang Bayan: Ang Larawan Ng Pilipinas Ayon sa Mga Tula't Kundiman na Kinatha Noong Panahon ng Himagsikan

  • Product Code: 9789715554749
  • Delivery: Metro Manila 3 to 5 days, Others 5 to 10 days Pandemic Delay in Delivery
  • Availability: Limited Stocks   Contact Us
  • Author: Luis Camara Dery
  • Publisher: De La Salle University Press
  • Edition: 1
  • Copyright: 2003
  • Table of Contents
  • ₱158.00
  • ₱15.80


Related Products

Sa Aking Panahon: 13 Piling Katha (at Isa Pa!)

Sa Aking Panahon: 13 Piling Katha (at Isa Pa!)

Labintatlong istorya... sa sakop ng 15 taon (1959-1973). Pinili nang may pagbibigay ng higit na hala..

₱79.20 ₱198.00

Cuento/Kwento

Cuento/Kwento

Cuento/Kwento - Isang teypestring masining ng malikhaing isip ng pitong awtor sa wikang kastila, at ..

₱4.80 ₱48.00

Our Voices, Our Zones

Our Voices, Our Zones

These seven poems have been inspired by seven women in the revolution, the poet''''s own contributio..

₱5.80 ₱58.00

Huling Himagsik

Huling Himagsik

..

₱7.80 ₱78.00

Katihan: Moderno at Pinaikling Bersyon ni Magdalena C. Sayas

Katihan: Moderno at Pinaikling Bersyon ni Magdalena C. Sayas

Ang pagkalugso ng puri at pagyurak sa dangal ay trahedya. lalo sa harap ng pag-ibig na may malaking ..

₱8.80 ₱88.00

Himagsik: Pakikibaka Tungo sa Mapagpalayang Kultura

Himagsik: Pakikibaka Tungo sa Mapagpalayang Kultura

Sa aklat na ito lamang sabay na matutunghayan ang panunuri at sining, ang buto at bunga...

₱21.80 ₱218.00